Calendar
Byudang lola, 72, dinampot dahil sa illegal recruitment
KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas City – Isang 72-anyos na biyuda ang naaresto noong Biyernes dahil sa kasong large scale and syndicated illegal recruitment.
Kinilala ang suspek na si alyas “Erlinda,” ayon kay Batangas Police Director PCol. Geovanny Sibalo.
Naaresto ang suspek sa San Pascual police custodial facility sa Barangay Poblacion, San Pascual, Batangas, dahil sa kasong four counts ng large scale and syndicated illegal recruitment.
Natiklo ang suspek ng pinagsanib na tauhan mula sa San Pascual police sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng presiding judge ng Regional Trial Court Branch 175 ng San Mateo, Rizal.
“Nakatuon kami sa pagdadala sa lahat ng wanted na kriminal sa hustisya anuman ang kanilang edad o katayuan. Ang pag-aresto na ito ay nagpapadala ng malinaw na mensahe na hindi natin tatanggapin ang mga ilegal na aktibidad na nananamantala sa ating mga mamamayan,” sabi ni Sibalo.

