4.3 lindol inuga Davao Oriental

275 Views

NIYANIG ng magnitude 4.3 na lindol ang baybayin ng Davao Oriental nitong Linggo ng hapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), sa kanilang Earthquake Information No. 1, Phivolcs na naganap ang pagyanig dakong 2:35 ng hapon.

Sa ulat ng ahensya, ang epicenter ng lindol ay nasa 39 kilometro timog-silangan ng bayan ng Governor Generoso sa Davao Oriental at may lalim na 30 kilometro.

Sinabi ng Phivolcs na ang lindol ay dulot ng paggalaw ng mga underground rock layer, na nagmula sa isang tectonic source.

Wala namang inaasahang pinsala o aftershocks mula sa lindol.