Calendar
Datung, trike ninenok ng sekyu
IBA, ZAMBALES–Ninakawan ng security guard noong Lunes sa bayan ito ang bangkong binabantayan niya ng P670,000 at sinunod na ninenok ang ginamit na tricycle sa pagtakas.
Naganap sa GM Bank sa Purok 1, Brgy. Palanginan sa bayang ito ang pagnanakaw, ayon sa report.
Nakatakas ang suspek na si alyas Sultan isang security
Ayon kay Richard Lopez, 51, area manager ng GM Bank, pumasok pa sa trabaho ang suspek bago mangyari ang insidente.
Bandang tanghali, tinutukan ng suspek si Lopez gamit ang cal .38 revolver at idineklara ang panghoholdap.
Pagkatapos ng panghoholdap, ginamit ng suspek bilang getaway vehicle ang traysikel ni Henry Uy.
Pagdating sa Posada’s sa Brgy. Palanginan, muling tinutukan ng suspek si Uy at sapilitang kinuha ang kanyang traysikel.
Sa follow-up operation, natunton ng mga tauhan ng Iba police ang ninakaw na traysikel na nakaparada sa Primer gasoline station sa Brgy. Dirita, Iba.

