PAGASA

Bagyong Ester hindi inaasahang magla-landfall

218 Views

NAGING isang bagyo na ang binabantayang low pressure area (LPA) ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa PAGASA ang bagyo na tinawag na Ester ay magdadala ng masungit na panahon at lilikha ng 1.3 hanggang 2.8 metrong alon sa northern at eastern seaboards ng bansa.

Magiging mapanganib umano ito sa mga maliliit na sasakyang pangdagat kaya pinayuhan ang mga ito na huwag maglayag.

Sa pagtataya ng PAGASA, ang bagyo ay uusad ng pahilaga-hilagang kanluran hanggang sa makalabas ito ng Philippine Area of Responsibility sa Sabado, Hulyo 30.

Hindi inaasahan na magla-landfall sa bansa ang bagyo na tinutumbok umano ang direksyon ng Ryukyu Islands.