Robin isinusulong paggamit ng Filipino sa gov’t documents, atbp.

274 Views

ANG paggamit umano ng sariling wika ay dapat gawin isang industriya na makakatulong para sa marami nating kababayan na kadalasan nalilito sa mga direksyon, pagtuturo at label gayundin ng mga etiketa ng iba’ ibang bagay tulad ng gamot, mga electronic na gamit at higit sa lahat ay mga batas, regulasyon at panuntunan ng gobyerno na madalas ay nakasulat sa wikang English.

Ayon kay Sen. Robin Padilla, dapat umanong ibinibida at ginagamit nating mga Pilipino ang ating pambansang wika hindi lang sa Agosto kundi sa buong taon at hindi lamang umano dahil sa Buwan ng Wikang Pambansa sa ika-1 ng Agosto.

“Ang pambansang wika ay para sa lahat ng Pilipino. Dahil dito, dapat bida ang wikang Filipino sa ating pang-araw-araw na buhay, hindi lang sa Agosto,” ani Padilla, na sumusulong ng paggamit ng Filipino sa Senado. “Mismong Saligang Batas ang nagsasabi na ang pambansang wika natin ay Filipino. Ayon sa Art. XIV, Sec. 6, Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas,” dagdag ng mambabatas. Naghain si Padilla ng Senate Bill 228 na naglalayong isalin sa wikang Filipino ang mga opisyal na dokumento ng pamahalaan ng Pilipinas para maintindihan ito ng pangkaraniwang

Pilipino. Sa ilalim ng panukalang batas, magiging opisyal na wika ang Filipino at Ingles sa lahat na opisyal na dokumento, kasama ang: * Executive issuances tulad ng implementing rules and regulations of acts, executive orders, proclamations, administrative orders, memorandum circulars and memorandum orders; Legislative documents tulad ng acts, bills, rules of procedures, resolutions, journals, and committee reports; * Judicial Issuances and Proceedings tulad ng “decisions, resolutions, rules and other issuances of the Supreme Court and lower courts”; International Treaties, Public Advisories, Publication of Acts.

Ipinaliwanag ni Padilla na maraming mga kababayan natin na hindi man nagsasalita ay nalilito sa mga dapat nilang maintindihan kung kayat madalas aniya ay nagreresulta ito sa maling pamamaraan ng paggamit dahil sa kakulangan ng tamang kommunikasyon..

Sakali aniyang maging batas ay maraming tao ang mag bebenispisyo hindi lamang ang ordinaryong mamamayan kundi ang maraming Pilipinong magkakaroon ng mga hanapbuhay bilang translator o tagasalin salita sa ating sariling wika.-30- ps jun m. sarmiento