Acuzar itinalagang kalihim ng DHSUD

Jun I Legaspi Aug 1, 2022
249 Views

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang negosyanteng si Jose “Jerry” Acuzar bilang kalihim ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Si Acuzar ay nanumpa sa tungkulin kay Marcos sa Malacañang noong Biyernes.

Siya ang chairman ng New San Jose Builders, Inc. (NSJBI), isang real estate company na nagtatayo ng mga residential at commercial condominium buildings.

Si Acuzar ang may-ari ng Las Casas Filipinas de Acuzar sa Bataan.