BBM

PBBM muling hinikayat ang publiko na magpa-booster shot laban sa COVID-19

166 Views

MULING nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa publiko na magpa-booster shot na laban sa COVID-19.

Dumalo rin si Marcos sa paglulungsad ng “PinasLakas” campaign ng gobyerno na naglalayong mabigyan ng booster shot ang 50 porsyento ng mga kuwalipikadong populasyon sa susunod na tatlong buwan.

Umapela rin si Marcos sa mga nagpa-booster shot na himukin ang kanilang mga kakilala na magdagdag ng proteksyon laban sa COVID-19.

“Sabihin ninyo lahat na magpa-booster na para hindi niyo na kailangan alalahanin itong COVID na ito para masasabi natin dito sa Pilipinas ay tapos na,” sabi ni Marcos.

Dagdag pa ni Marcos hindi na dapat hintayin pa na muling dumami ang kaso ng COVID-19 bago magpabakuna.

Ayon sa Department of Health (DOH) dapat ay makapagpabakuna ng 397,334 indibidwal kada araw para maabot ang target na 23.8 milyong Pilipino sa unang 100 araw ng Marcos administration.