Vergeiri

Task force para sa monkeypox hindi na kailangan—DOH

172 Views

HINDI na umano kailangan na magtayo ng bagong task force upang mag-monitor at tugunan ang pagkalat ng monkeypox virus.

Ayon kay Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire ang gobyerno ay mayroon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) upang tugunan ang mga sakit gaya n monkeypox.

Ipinaliwanag ni Vergeire na ang IATF-EID ay itinatag hindi lamang para sa COVID-19 kundi para sa emerging at re-emerging na sakit.

Kasalukuyang inorganisa ng DOH ang IATF upang maisama lamang ang mga ahensya na kailangan dito.