Calendar
Sen. Imee: Katotohanan sa likod ng ‘Maid in Malacanang’ nais marining ng taumbayan
“ANG buod nito ay history pa rin.”
Eto ang paglilinaw ni Senator Imee Marcos na nagsabing ang Maid in Malacanang ay ang istorya na hindi nasabi at hindi nalaman ng maraming Pilipino kung saan ay itinanggi niya ang paratang na ito ay revisionism o pagbabago ng katotohanan sa kwento.
Ayon kay Marcos sa isang ambush interview, ang Maid in Malacanang ay nagpapakita ng maraming bagay na dapat maintindihan ng maraming Pilipino na nangyari 36 na taun na ang nakararaan kung saan ay dapat aniya maipakita ang loob at labas na naganap sa palasyo ng Malacanang.
“Ipinakita dito kung anong nangyari sa palasyo. We also want to air our sides at importante na makinig at marinig ng lahat ang storyang ito upang mabuo ang istorya ng ating lahi.” ani Marcos kung saan ay ininganyo niya ang mga kritiko na panuorin muna bago magbigay na kanilang komento.
“Nasa mga manunuood na ang paghuhusga kung work of art siya o hindi. Kasi talaga naman comedy director si Direk Darry Yap pero ang masasabi ko lamang sa panig ko is that this is about the truth. Its a work of truth . Flights of Fancy pero ang buod ay tungkol sa history pa rin ng ating bansa, it is about the truth.” paliwanag ni Marcos.
Bakit may komentaryo na sa lahat? Ngayon pa lang ilalabas sa sinehan. Wala pa naman silang nakikita. Inaanyayahan ko kahit anong panig kayo sa pelikula na tingnan niyo muna.” paliwanang ni Marcos kung saan ay tinanggi rin niya ang paratang na libreng pamimigay ng ticket sa mga paaralan at iba pang lugar upang panuorin ang pelikula.
“Hindi siguro papayag ang Viva, si Mr Vic del Rosario na libre?” paglilinaw ni Marcos.
Hindi rin aniya siya magbibigay ng paghuhusga sa mga taong hindi pa napapanuod ay nagpapahayag na ng kanilang kritisismo gayundin ang ibat ibang negatibong komento.
“Sa isang banda, sa isang pamilyang pangkaraniwan lamang na may asaran, may tampuhan, may kulitan. Pero sa kabilang banda naman, alam naman natin na ito ay naging bahagi ng ating kasaysayan; naging kwento na rin ng bansa. Wala tayong alam kung anong nangyari sa isang panig. Wala tayong alam kung anong nangyari sa isang pamilya,” sagot ni Marcos.
Gayundin ay nagpasalamat siya sa mga aktor at aktres na bumuo ng pelikula na bagamat aniya nakatatanggap ng mga bash ay kibit balikat nilang ginampanan ng maayos ang kanilang bahagi sa naturang pelikula.
“Nagpapasalamat tayo sa kanila kina Ms. Ruffa Gutierrez, Cesar Montano na matatpang at marami pang iba na ginawa nila ang kanila role kahit na ba bash sila.” ani Marcos.
Sa kanyang paglilinaw,sinabi niya na nagsimula ang pagbuo ng pelikulang Maid in Malacanang pagkatapos ng eleksyon matapos nilang makita ang 110 views kung saan ito ang nag udyok sa kanila na gawin ito para makita ng taumbayan ang maraming bagay na hindi nasulat at naipahayag.
“It all started after the election dahil umabot sa 110 million views kami. Duon lamang nagsimula. Comedy Director talaga si Darryl Yap at nagulat kami sa kinalabasan. Maraming portion ang naging tear jerker,” pagtatapat ni Marcos na sinabing nagulat siya sa dami ng umiyak matapos panuorin ang pelikula.
Bago matapos ang nasabing interbyu ay inanyayahan niya ang lahat upang bigyan pagkakataun ang kanilang sarili na makita ng buo ang pelikula para naman maintindihan din ng marami ang storya nito.
“Time to air our sides and the history of our nation. makinig sa lahat ng narrative para mabuo ang kwento ng ating lahi. Sa isang bansa isang pamilya na may tampuhan kahit sa jowa o pamilya. kahit galit kayo o iinit ang ulo. Importante simulan ang talakayan. Kahit may kagalit ka sa pamilya o sa jowa,” kailangan mag-usap usap tayo,” aniya.