Hontiveros

Batas na magbibigay proteksyon sa kabataan vs online abuse pasado na

198 Views

ISANG TAGUMPAY para kay Akbayan Sen. Risa Hontiveros ang pagsasabatas kamakailan ng Rep. ACT no. 11930, o mas kilala bilang ANTI-ONLINE Sexual Abuse and Exploitation Children (OSAEC) Law kung saan ay isa ang may akda at ngayon ay na isa ng batas na magbibigay proteksyon sa maraming kabataan na naaabuso gamit ang makabagong teknolohiya.

“Napakasaya ko na sa wakas ay naisabatas na ang Anti-OSAEC Law. Mas dumami ang exploitative materials online lalo na nitong pandemic kaya’t kailangang ma-implement na agad ang batas. Urgent action is always needed when it comes to the protection of our children,” ani Hontiveros.

Ang Anti-OSAEC Law ay nagbibigay at nagtataas ng responsibilidad ng mga nasa social media platforms, electronic service providers, gayundin ng mga internet at financial intermediaries, na nag uutos na harangin ang anumang pang aabuso sa mga kabataan gamit ang mga materyal na maglalagay sa mga bata sa exploitasyon na malinaw na nakasaad sa OSAEC na isasagawa ng agarang sa tulong ng mga law enforcement agents.

Sa nasabing batas, binibigyan din ang mga autoridad ng karapatan na magsagawa ng surveillance at masusing pagmamatyag sa mga hinihinalang gumagawa nito.

Bukod dito ay pinagkakalooban din ng nasabing batas ang National Coordinating Center against OSAEC and Child Sexual Abuse and Exploitation Material (CSAEM), sa ilalim ng Inter Agency Council against Trafficking na bigyan ng agaran na tulong sa sikolohiyang pamamaraan sa kapakanan ng mga biktima.

“Dahil sa bilis ng teknolohiya, mabilis din na nag-eevolve ang paraan ng mga predators sa pambibiktima online. Ayon sa aming mga sources, may mga bagong linggwahe narin silang ginagamit sa social media na hindi agad nadedetect ng ating law enforcers. Sa bagong batas, layon nating mapalakas ang kapasidad ng mga ahensyang may responsibilidad sa mga kasong ito,” paliwanag ng senador.

“Napakaraming reports ng OSAEC ang natatanggap ng opisina ko. Nagpapasalamat ako sa mga netizens na masipag na nagrereport sa mga nakikita nilang krimen online. Dahil sa active nilang pag-tag sa akin, naflaflag natin ang Facebook, NBI, at PNP para maaksyunan agad. This kind of participation is always welcome. Nakakalula man kadalasan ang usapin ng OSAEC, nabibigyan naman ako ng pag-asa when I see the private sector, our law enforcement agencies, and civil society coming together for the best interest of every Filipino child,” ani pa Hontiveros.