Taduran

Dating solon itinalagang undersecretary ng DSWD

249 Views

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si dating ACT-CIS Rep. Rowena Niña Taduran bilang Undersecretary for Legislative and Liaison Affairs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Si Taduran ay nanumpa sa isang seremonya sa Malacañang Palace, sa Maynila.

Nagpasalamat si Taduran kay DSWD Secretary Erwin Tulfo kasabay ng kanyang pangako na itutulak sa Senado at Kamara de Representantes ang mga panukala na kailangan ng mga Pilipino.

“Lubos akong nagpapasalamat kay Secretary Tulfo sa pagbibigay sa akin ng tungkuling ito na makapagpapatuloy sa ating hangarin na makapaglingkod sa taong bayan. Sa abot ng aking makakaya, isusulong ko sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso hanggang sa Malakanyang ang mga panukalang batas na magbibigay ng kapakinabangan sa mga mamamayan lalo na sa mga nakakaligtaang bahagi ng lipunan,” sabi ni Taduran.

Ayon kay Taduran kanyang itutuloy ang pagtataguyod ng mga polisiya at mga misyon upang matiyak na makararating ang tulong ng gobyerno sa mga benepisyaryo.

“Ipagpapatuloy ko lang ang naumpisahan na natin sa kongreso na paglilingkod sa bayan. Magkatuwang kami ni Secretary Tulfo at ng pamahalaang Marcos sa pagtiyak na makakaabot sa lahat ang tulong ng gobyerno,” dagdag pa ni Taduran.