Negosyante Ang napaslang na biktima. Photo mula sa JAEN-NE PNP

Negosyante, 74, tinarget 2 beses sa ulo, TIGOK!

Steve A. Gosuico Dec 6, 2025
508 Views

JAEN, Nueva Ecija – Dalawang bala ang kumitil sa buhay ng isang 74-anyos na negosyante matapos siyang targetin sa ulo ng isa sa dalawang riding-in-tandem na suspek sa harapan ng kanilang bahay noong Biyernes ng umaga dito.

Kinilala ng hepe ng pulisya na si Major Ernesto V. Esguerra ang napatay na biktima na manager ng isang insurance agency at taga-Barangay Sapang ng bayang ito.

Naganap ang pamamaril dakong alas-9:50 ng umaga at naiulat sa pulisya ang insidente makalipas ang 40 minuto, o alas-10:30 ng umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon, nasa harapan ng kanilang bahay ang biktima nang biglang dumating ang dalawang suspek na sakay ng isang itim na motorsiklo.

Bumaba ang nakasakay sa likuran ng motorsiklo at agad na pinaputukan ang biktima ng dalawang beses, na ikinamatay nito on the spot.

Naglunsad ang mga imbestigador ng pulisya ng “Oplan Bakod” at nagsagawa ng pagsusuri sa mga kuha ng CCTV sa lugar para sa posibleng pagkakakilanlan at pag-aresto sa mga suspek.

Sinabi ni Esguerra na tinitingnan nila ang anggulong alitan sa lupa bilang posibleng motibo sa pagpatay.

Patuloy aniya ang malalimang imbestigasyon sa kaso.