Martin1

Speaker Romualdez, Diokno nagpulong

216 Views

MULING inulit ni Speaker Martin G. Romualdez ang suporta ng Kamara de Representantes sa Medium-Term Fiscal Framework ng Marcos administration.

Sa pakikipagpulong ni Romualdez kay Finance Secretary Benjamin Diokno ay bahagya umanong napag-usapan ang MTFF na sinuportahan ng Kamara sa pamamagitan ng pagpasa ng House Concurrent Resolution no. 2 kamakailan.

Sinabi ni Romualdez na nagkasundo sila ni Diokno na gamitin ang MTFF upang mapabuti ang kalagayan ng bansa. Ang pangunahing layunin umano nito ay tiyakin na matatag ang ekonomiya upang makalikha ng maraming trabaho at makapagbigay ang gobyerno ng mga kinakailangang serbisyo.

“The objective: in the short run, keep the macroeconomy stable and provide adequate social services; in the medium term, generate “more jobs, quality jobs, green jobs,” sabi ni Romualdez.

Napag-usapan din umano ang pagpapaganda ng koordinasyon ng Executive at Legislative department para maging mabilis ang pagpasa ng mga panukala na kailangan ng gobyerno.

“Our discussion with Secretary Diokno was a fruitful one, and we hope to conduct future consultations with him in the days to come,” dagdag pa ni Romualdez.

Nakasama ni Romualdez sa pagpupulong sina House Majority Leader Mannix Dalipe at ang economic team ng Kamara na kinabibilangan nina Deputy Speaker Ralph Recto, House committee on Ways and Means chairperson Joey Salceda, at House committee on Appropriations chairman Zaldy Co.