Diokno

Utang ng bansa P12.79 trilyon

181 Views

NASA P12.79 trilyon ang utang ng Pilipinas ng bumaba mula sa Malacañang si dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Hunyo 30.

Ayon sa inilabas na ulat ng Bureau of the Treasury (BTr) ang utang noong Hunyo ay mas mataas ng 2.4 porsyento o P296.057 bilyon kumpara sa P12.5 trilyong utang na naitala noong Mayo.

Mas mataas din ito ng 14.6 porsyento kung ikukumpara sa P11.166 trilyong utang ng bansa noong Hunyo 2021.

Sa kabuuang utang ng bansa, 68.5 porsyento ang kinuha sa mga lokal na utangan.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno ang lebel ng utang na nakita sa nakaraang administrasyon ay hindi na makikita sa Marcos administration.

Nangako si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ibababa ang debt-to-gross domestic product (GDP) ratio sa 60 porsyento sa 2025.

Ang debt-to-GDP ratio sa kasalukuyan ay 63.5 porsyento, ang pinakamataas sa nakalipas na 17 taon.

Ang inirerekomendang threshold ng debt-to-GDP ratio ay 60 porsyento.