Mapa

Inflation rate noong Hulyo pumalo sa 6.4%

165 Views

NAITALA sa 6.4 porsyento ang inflation rate o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo noong Hulyo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sinabi ni PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa mas mataas ito sa 6.1 porsyento na naitala noong Hunyo at sa 3.7 porsyento na naitala noong Hulyo 2021.

Ang inflation rate noong nakaraang buwan ang pinakamataas na naitala sa nakalipas na tatlong taon o mula noong Oktobre 2018 kung kailan nakapagtala ng 6.9 porsyento.

Mula noong Enero ang inflation rate ng bansa ay 4.7 porsyento pasok pa rin sa projection ng gobyerno na 4.5 hanggang 5.5 porsyento.