Calendar
Workshop para sa aviation industry pinangunahan ng CAAP
NAG-host ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng eTOD and AMDB Training 2025 noong Disyembre 11 at 12, isang workshop na dinisenyo upang palakasin ang kakayahan ng ahensya na lumipat sa ICAO-compliant digital aeronautical data management.
Layunin ng CAAP na palakasin ang kaligtasan ng himpapawid, modernisasyon, at sumunod sa global aviation standar bilang paghahanda sa ICAO Universal Safety Oversight Audit Programme (USOAP) audit.
Nakatuon ang pagsasanay sa pagbibigay ng teknikal na kaalaman at regulasyongg pang-unawa sa mga tauhan ng CAAP upang mahusay na mapamahalaan ang mga digital aeronautical dataset, kabilang ang Electronic Terrain & Obstacle Data (eTOD), Aerodrome Mapping Database (AMDB), at Aerodrome Terrain & Obstacle Chart (ATOC).
Mahalaga ang mga dataset na ito para sa ligtas na operasyon ng paliparan, pagpaplano ng aerodrome, paggawa ng mga chart, at pagdisenyo ng mga pamamaraan.
“Sa paglipat mula sa tradisyunal na paper-based workflows tungo sa makabago, digital at interoperable na sistema, pinoprotektahan natin ang kinabukasan ng aviation sa Pilipinas,” pahayag ni CAAP Deputy Director General for Operations Rozzano Briguez.
Nagpasalamat ang CAAP kay G. Dejan Damjanovic, isang eksperto sa Aeronautical Information Management (AIM), digital mapping at ICAO-compliant data production, sa kanyang pamumuno sa workshop.

