Kelot Source: FB

Kelot na hubo’t hubad pumasok sa bahay, nagtago sa imburnal

314 Views

NAGPANIC ang ilang residente sa isang barangay sa Quezon City matapos pumasok sa isang bahay
ang isang lalaki na hubo’t hubad na hinihinalang nasa impluwensiya ng ilegal na droga.

Ang lalaki ay nagtago sa isang imburnal matapos habulin ng mga tanod nitong Huwebes ng gabi.

Sa ulat, pasado alas-7 ng gabi, unang pumasok sa isang bahay ang lalaki at nang humingi ng tulong ang mga nakatira doon sa kanilang barangay ay agad umanong nagtatakbo ito hanggang pumasok sa imburnal na nasa limang metro ang haba.

Naging pahirapan umano ang pag-rescue sa lalaki dahil kinailangan pang gumamit ng maso para basagin ang sementong takip ng imburnal kung saan bumulaga ang nagtagong lalaki na halos hindi makagalaw.

Hinihinalang gumamit ng ilegal na droga ang lalaki na dinala sa barangay na pinakawalan din kalaunan matapos na wala umanong nagsampa ng kaso.