Calendar
Mag-ingat sa mga mensahe ng nagpapakilalang P/BGen. Aberin
BINALAAN ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang publiko na mag-ingat sa mga natatanggap na mensahe na magpapakilala bilang si P/BGen. Anthony Aberin matapos makompromiso ang mobile account ng opisyal.
Pinayuhan ng NCRPO ang sinumang makakatanggap ng mensahe, gamit ang pangalan ng NCRPO chief, na balewalain ang anumang hinihinging pabor, salapi o tulong ng magpapadala ng mensahe.
Lumalabas na ang mga ipinadalang mensahe ay nagmula sa messaging app na hindi naman ginagamit ni BGen. Aberin at nagpapahiwatig na posibleng hindi awtorisadong pag-access sa account ng heneral.
Kaugnay nito, hinimok ng NCRPO ang publiko na maging mapagmatyag sa anumang may kinalaman sa mga alalahaning may kaugnayan sa cybercrime na i-report ito sa pinakamalapit na police station o direkta sa Cybercrime Unit ng Philippine National Police (PNP).

