jerico

Maligayang kaarawan DSWD Sec. Erwin Tulfo

Jerico Javier Aug 12, 2022
225 Views

Erwin1Erwin

MAY banal na kasabihan na ang lahat ng nangyayari ay may dahilan.

Kaya naniniwala po ang inyong abang lingkod, pati na rin ang maraming Pilipino at mga tagasubaybay, na ang pagkakatalaga ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa batikang broadcaster na si Erwin Tulfo bilang Kalihim ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ay nakaguhit sa tadhana.

Pinagpalang kasama na rin sa kapalaran ni Sec. Tulfo ang pagbulusok ng kanyang popularidad at impluwensiya pati na ng walang katapusang pagdami ng kanyang mga tagahanga.

Naging saksi po ang inyong abang lingkod na DSWD Undersecretary sa pagiging makatao, alipin ng katarungan at kampeon ng mga naaapi ni Sec. Tulfo — kahit noong siya ay abala pa bilang miyembro ng Ikaapat na Estate.

Kaya’t marami ang nagbunyi ng parangalan siya bilang Best Male Newscaster (2014, 2015 at 2016) sa PMPC Star Awards for Television, at Asian Best Broadcasters Award (2015) at Most Trusted Media Personalities for Radio and Television Award (2016) dahil sa kanyang dedikasyon sa kanyang propesyon at sa publiko na walang sawa at buong puso niyang tinutulungan.

Naging saksi rin po tayo pati na ang publiko sa kung bakit mahal ng halos lahat ng Pilipino ang ating Kalihim. Hindi kasi alintana ni Sec. Tulfo kanyang kasikatan pati na ang kapangyarihang dulot nito.

Nananatili siyang mapagkumbaba at may respeto sa lahat ng tao — lalo na sa masa at sa mga kapos-palad. Naniniwala siyang lahat ng mamamayan ano man ang estado sa buhay ay may karapatang igalang at bigyan ng respeto kung nararapat.

Ngayon ay abalang abala si Sec. Tulfo sa pagtulong sa mga benepisyaryo ng 4Ps, mga batang ina na nangangailangan ng aruga at mga biktima ng lindol sa Abra, bukod sa napakarami pang iba.

Katulad ng dati, walang tigil si Sec. Tulfo sa pagtatrabaho upang matugunan ang pangangailangan ng mga walang tanging matakbuhan kundi ang gobyerno.

Hindi rin maramot si Sec. Tulfo magbigay ng pagkakataon na umunlad at guminhawa ang mga taong naglilingkod sa kanya. Isa na po ang inyong lingkod na nabiyayaan ng kanyang tiwala at mga ginintuang aral. At dahil dito ay lubos pong nagpapasalamat at tumatanaw ng utang ng loob ang inyong abang Usec. sa ngayo’y ‘Big Bosing’ ng DSWD.

Alinsunod sa mga ginintuang layunin ni Pangulong Marcos na gumanda at iangat ang buhay ng mga Pilipino ay walang humpay na pinagsisikapan at sinisiguro ni Sec. Tulfo — —- kasama na ang buong DSWD —- na maisakatuparan ang lahat ng mga ito.

Maligayang kaarawan Sec. Erwin Tulfo. Mabuhay ka!