Momo

Momo optimistiko na aaprubahan ng Senado ang inakda nitong bagong National Building Code

Mar Rodriguez Jan 26, 2026
139 Views

OPTIMISTIKO ang Chairman ng House Committee on Public Works na si Surigao del Sur 1st District Representative Romero S. Momo, Sr. na aaprubahan ng Senado ang isinulong nitong House Bill No. 6615 na nagtatakda ng bagong National Building Code.

Nauna nang ipinahayag ni Momo, principal author ng HB No. 6615, na ang pagkakapasa sa Plenaryo ng kaniyang inakdang panukalang batas ay naglalayong matulungan ang administrasyong Marcos, Jr. na maisulong ang pag-unlad ng bansa.

Muling ipinabatid ng kongresista na layunin ng House Bill No. 6615 na kasalukuyang nakabinbin sa Senado na amiyendahan ang National Building Code of the Philippines matapos itong aprubahan sa Plenaryo ng Kamara de Representantes noong nakaraang taon.

Ipinaliwanag ni Momo na ang pangunahing layunin ng HB No. 6615 ay magtakda ng bagong pamantayan para mas maging matatag at matibay ang mga imprastraktura laban sa bagyo, baha, sunog, lindol at bagyo na makaka-apekto sa isang estraktura.

Pagbibigay diin pa ng mambabatas na mahalagang maaprubahan agad ng Mataas na Kapulungan ang nasabing panukalang batas sapagkat ang Pilipinas ay nananatili bilang ”Number 1 most disaster prone country” sa buong mundo.

Bukod sa House Bill No. 6615, umaasa din si Momo na maaaprubahan na rin sa Senado ang isa pa nitong panukalang batas (House Bill No. 6789) na nagtatatag ng Department of Water Resources na naglalayong maisa-ayos ang water system sa bansa.

“The passage of these bill in the second and third reading reflects not only months of bipartisan work and thoughtful collaboration among our colleagues, but they also show the commitment of this administration to pursue legislative measures that will best serve Filipinos,” ayon kay Momo.