Martin

Speaker Martin Romualdez: PH-US maganda relasyon sa ilalim ng PBMM admin

Mar Rodriguez Aug 19, 2022
244 Views

NAGAPAHAYAG ng malaking tiwala si House Speaker Ferdinand “Martin” Gomez Romualdez na mananatiling matatag ang magandang relasyon at pagka-kaibigan sa pagitan ng Pilipinas at Unites States of America (USA) sa ilalim ng administrasyon ni President Ferdinand “Bongong” Marcos, Jr.

Sa pamamagitan ng idinaos na US-Philippines Congressional Delegation Friendship Caucus sa Manila Golf and Country Club, na dinaluhan din ng mga mambabatas mula sa Kamara de Represenatntes. Pinasalamatan ni Speaker Romualdez ang US delegation dahil sa pagkakataong ibinigay nila upang lalo pang pagtibayin ang magandang relasyon sa pagitan ng Estado Unidos at Pilipinas.

Ang isa sa limang miyembro ng US Delegations na nakadaupang palad nina Speaker Romualdez at mga dumalong Filipino congressmen ay si Sen. Edward John Markey (Democrat-Massachusetts).

Pinasalamatan din ni Romualdez ang Estados Unidos sapagkat ang America ang kauna-unahang bansa na tumulong sa kaniyang lalawigan (Leyte) nang salatahin sila ng bagyong “Yolanda” noong taong 2013. Kung saan marami sa kaniyang mga kababayan ang namatay at nawalan ng matitirahan dahil sa malaking sakuna na idinulot ng bagyo.

“Indeed your presence here means a lot to us. it is an opportunity for us to further deepen and strengthen our ties of friendship and manifest our deep appreciation for the strong support and for all the assistance during our crises after Hiyan in my District,” sabi pa ni Speaker Romualdez.

Sinabi naman ni Surigao del Norte Cong. Robert Ace Barbers, Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, na kasama din sa mga kongresistang dumalo sa nasabing okasyon na maganda ang nakikita niya para sa relasyon ng Pilipinas at US.

Binigyang diin ni Barbers na muling magkakatulungan ang dalawang bansa sa iba’t-ibang bagay partikular na sa pagsugpo ng illegal na droga na hindi lamang aniya problema ng Pilipinas at US kundi maging ng international community.

“Nakikita ko na sa mga darating na hinaharap ay lalo pang magiging matibay an gating relasyon sa US. Hindi naman kaila sa atin na kahit noong araw pa ay maganda na talaga ang relasyon ng Pilipinas at US. ng okasyong ito ay lalo pang nagpapatibay sa relasyong iyo,” sabi ni Barbers.