Poa

46% ng eskuwelahan balik full face-to-face sa Agosto 22

183 Views

NASA 46 porsyento ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa bansa ang magpapatupad ng full face-to-face classes sa Agosto 22.

Ayon kay Department of Education (DepEd) spokesperson Michael Wesley Poa may kabuuang 24,175 eskuwelahan sa bansa ang magpapatupad ng face-to-face classes.

Ang 51.8 porsyento o 29,721 eskuwelahan naman ang magsasagawa ng blended learning modality.

“I have to remind you, yung blended modality po natin eh may in-person aspect person din po siya of three days initially and four days thereafter, meron po tayong 29,721 schools nationwide na mage-blended learning, yan po ay 51.8 percent,” sabi ni Poa.

Ang nalalabing 1.29 porsyento o 1,004 eskuwelahan ay magsasagawa naman ng distance learning.

Sa pagbubukas ng klase sa Agosto 22 ay papayagan pa ang remote classes, blended learning mode, at in-person classes.

Simula naman sa Nobyembre 2, lahat ay dapat magpatupad na ng in-person classes batay sa DepEd Order No. 34.