DepED

Guro sa pampublikong paaralan bibigyan ng P5,000 allowance

211 Views

BIBIGYAN ng Department of Education (DepEd) ng tig-P5,000 ang mga guro sa pampublikong paaralan upang tulungan ang mga ito sa pagbabalik ng face-toi-face classes.

Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa ibababa na ang pondo sa mga school division at makukuha na ito ng mga guro sa Agosto 22.

Sinabi ni Poa na maglalabas din ng P3.7 bilyong supplemental Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ang ahensya para sa paghahanda ng mga eskuwelahan at madagdagan ang mga kagamitan na kailangan nito.

Magbubukas ang klase sa Agosto 22 subalit hindi pa lahat ay magpapatupad ng face-to-face classes. Sa Nobyembre ang lahat ng paaralan ay inaasahan na makakapag full face-to-face classes alinsunod sa Memorandum na inilabas ng DepEd.