Shabu

Kelot na may shabu, boga, granada arestado

Edd Reyes Feb 10, 2026
422 Views

NASAMSAM ng mga pulis ang granada, baril at shabu na nagkakahalaga ng mahigit P350,000 sa lalaking pinaniniwalaang tulak ng ilegal na droga noong Linggo sa Muntinlupa City.

Bandang alas-6:20 ng gabi nang dakmain ng mga pulis-Muntinlupa si alyas Chong, 56, sa Brgy. Tunasan matapos pagbentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nasamsam sa suspek ang 51.85 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P352,580, cal .38 revolver na may apat na bala at fragmentation hand grenade.