Sara

VP Sara: In-person classes dapat matuloy sa kabila ng hamon ng COVID-19

132 Views

WALA umanong dahilan para hindi matuloy ang in-person classes kahit pa nananatili ang hamon ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte hindi na maaaring hayaan na maantala muli ang pag-aaral ng mga kabataang Pilipino kasabay ang pagbibigay-diin sa kahalagahan ng in-person classes upang matuto ang mga mag-aaral.

“Kailangan na po natin silang maibalik sa in-person learning dahil sa in-person learning lamang nila makukuha ang makahulugan, sapat o wasto, at dekalidad na edukasyon na kailangan nila para sa kalinangan ng kanilang pag-iisip at kakayanan bilang mga indibidwal na magiging katuwang ng pamahalaan sa pagtatag ng isang malakas na bansa,” sabi ni Duterte.

Ayon kay Duterte isang malaking tagumpay para sa kabataang Pilipino ang muling pagsisimula ng in-person learning noong Agosto 22 sa kabila ng hamon na dala ng pandemya.

“Today, we acknowledge that this is a victory for basic education. But without a doubt, this is also a victory for all the teachers and support staff, the parents, the LGUs, other government partners, private sector and civil-society advocate supporters, and all education stakeholders,” sabi ni Duterte.

Sinabi ni Duterte na hindi rin dahilan ang kakulangan ng imprastraktura upang hindi makapag-aral ang mag estudyante.

Umabot sa 27.8 milyon ang nagpa-enroll sa pampublikong at pribadong paaralan para sa school year 2022-2023.