Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Ortega3 Deputy Speaker Paolo Ortega V

Pagtakbo pwedeng konektado sa reklamong impeachment vs VP Sara

120 Views

HINDI imposibleng may kaugnayan ang desisyon ni Vice President Sara Duterte na ihayag ang kaniyang intensiyong tumakbo sa pagkapangulo sa 2028, sa mga kasalukuyang impeachment complaint laban sa kaniya, ayon kay Deputy Speaker Paolo Ortega V ng La Union.

“Posible, pero posibleng talagang planado na rin nila, so hindi natin masasabi kasi kanya-kanyang diskarte,” sinabi ni Ortega.

Kung sa tingin ng ilan ay malayo pa ang halalan, iba ang pananaw ni Ortega.

“Sinasabi ng iba matagal pa ang eleksiyon, sabi nila dalawang taon pa pero para sa akin malapit na ’yung eleksiyon. Isang taon kalahati na lang ’yun,” aniya.

Nang tanungin kung may direktang koneksiyon ang deklarasyon ng pagtakbo sa mga reklamong impeachment, ani Ortega: “Hindi rin imposible pero may naka-file na tatlong impeachment bago noon.”

Dagdag pa niya, matagal nang nagpapakita ng senyales si Duterte na siya’y tatakbo.

“Parang matagal naman na siya nagpaparamdam. Wala naman actually bago doon. Kumbaga, may paramdam na siya dati. Siguro ngayon lang talaga siya formally na-announce,” saad ni Ortega.

Ang pagdeklara nito ay maaaring paraan para makalikha ng political momentum, dagdag pa ni Ortega.

“So baka she felt the need to announce or make an announcement para pag-usapan. Kasi medyo tahimik siya nang mga nakaraang buwan… So baka kailangan ng hype,” sinabi ni Ortega.

Binigyang-diin din ni Ortega na hindi siya na-intimidate ng anawnsment. “Hindi naman ako nasindak,” aniya.

“As far as I know, siguro iyon ang tactics nila, iyon ang taktika nila, iyon ang diskarte nila. Pero ako kasi, I can only speak for myself, parang wala namang epekto sa akin ’yung pag-declare niya ng presidente, kahit sino naman puwedeng gawin ’yon,” sinabi ni Ortega.

Aniya pa, ang mga mambabatas ay dapat tumutugon sa publiko.

Sinabi rin niyang kampante siya dahil ang impeachment ay dadaan sa committee deliberations.

“Mas confident pa siguro ako now dahil uusisiin ko siya sa committee level. So mas mapag-uusapan, mas mapagdebatehan… So confident ako na makukuha pa rin ’yung vote,” pahayag ni Ortega.

Nang tanungin kung gaano siya ka-optimistiko, tumugon si Ortega sa kanyang trademark na tono: “Nasa 88.7 percent ako lagi… Very optimistic ako, halata naman e. Masayahin. Dapat masayahin ka lang.”