Bill

Sen. Chiz sa mga kapwa senador: Bill para sa power sector workers talakayin natin

132 Views

NANAWAGAN si Sen. Francis “Chiz” Escudero sa Senate Committee on Energy na talakayin ang Senate Bill 498, ang panukalang naglalayong palawakin ang proteksyon para sa mga manggagawa sa power sector.

Ginawa ito ni Escudero kasunod ng anunsyo ng Meralco ng P0.2226 per kilowatt-hour increase sa singil sa kuryente.

Sa usapin ng affordability, dapat ding isaalang-alang ang kapakanan ng mga manggagawang nagsisiguro ng tuloy-tuloy na suplay ng kuryente, ayon sa senador.

“Consumers see the peso impact on their bills, but behind every kilowatt-hour is a workforce exposed to hazards.

Protecting them is part of ensuring that the system remains efficient and cost-effective,” dadag ng senador.

Nakabinbin pa sa komite ang panukala ni Escudero na layuning isabatas ang mas malinaw na benepisyo at proteksyon para sa mga power workers, kabilang ang mga lineman na unang tumutugon sa panahon ng bagyo, lindol at brownout.

Iniugnay din niya ang panukala sa energy transition ng bansa.

“As we expand solar, wind, and other renewable projects, we need a skilled and secure workforce to integrate these into the grid.

Protecting workers is part of future-proofing our energy system,” ayon sa senador.