Teofimar Renacimiiento

Panahon ni Pangulong Marcos: Presyo ng Gasolina, Nanatiling Mura

741 Views

NUNG siya ang Pangulo ng Pilipinas, hindi pinayagan ni Ferdinand Marcos na basta-basta na lang tumaas ang presyo ng gasolina sa Pilipinas

Nang magsimula na ang dekada 70, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos na hindi maaring palaging umaasa ang Pilipinas sa gasolinang inaangkat natin mula sa mga bansang Arabo sa Gitnang Silangan.

Sa pagsusuring ginawa ni Pangulong Marcos, natiyak niya na ang mga bansang Arabo ay maaaring magkaisa balang panahon, at mapagkasunduan nilang huwag na magkumpetensiya upang panatilihin mataas ang presyo ng krudong langis at gasolina na inaangakat sa kanila ng buong daigdig.

Napansin din ni Marcos na kung sakaling magkaroon ng digmaan sa Gitnang Silangan, tiyak na tataas ng husto ang presyo ng krudong langis at gasolina sa buong daigdig, at maghihirap ang maraming Pilipino.

Dahil dito, napagpasiyahan ni Pangulong Marcos na gumawa ng paraan na maging palaging handa ang Pilipinas sa kahit anong mangyari sa Gitnang Silangan.

Nuong Nobyembre 1973, itinatag ni Pangulong Marcos and Philippine National Oil Company o PNOC. Bilang isang korporasyong pag-aari ng pamahalaan, and PNOC at inutusan ni Marcos na gumawa ng mga kinakailangang hakbang laban sa basta-bastang pagtaas ng presyo ng gasolina sa Pilipinas.

Matapos niyang itinatag ang PNOC, nagpagawa si Pangulong Marcos ng ilang mga malawakang dalisayan ng krudong langis sa Pilipinas, na pinangasiwaan ng PNOC

Ang presyo ng krudong langis ay hindi kasing taas ng presyo ng krudong langis. Mahal ang presyo ng gasolina sapagkat kailangan dalisayin pa ang krudong langis bago ito maging gasolina.

Dahil sa mga nasabing dalisayang pinagawa ni Pangulong Marcos na pinangasiwaan ng PNOC, hindi na kinailangan pa ng Pilipinas umangkat pa ng gasolina. Krudong langis na lang ang kinailangang angkatin, at ito at dadalisayin ng PNOC sa Pilipinas upang maging gasolina. Ito ay lubos na matipid para sa Pilipinas.

Samakatuwid, dahil sa nasabing lunas na ginawa ni Pangulong Marcos cos, nanatiling abot-kaya ang presyo ng gasolina sa buong Pilipinas.

Bukod dito, ang mga dalisayang ipinagawa ni Marcos ay nagbigay ng maraming hanap-buhay sa mga mamamayang Pilipino.

Hindi lang iyon. Ang kinikita ng mga dalisayang pinagawa ni Pangulong Marcos ay pumupunta sa Pilipinas, at hindi sa mga dayuhang bansa.

Dapat din ipabatid sa madla na ang mga dalisayang ipinagawa ni Marcos nuong siya ay Pangulo ng Pilipinas ay ang pinakamalawak at pinaka-modernong mga dalisayan ng krudong langis sa buong Asya. Kahit ang moderno at mayamang bansang Hapon ay walang ganitong mga dalisayan.

Inutusan din ni Pangulong Marcos ang PNOC na magpatakbo ng gasolinahang Petron, sa pamamagitan ng mga prangkisang ipinagkakaloob sa mga negosiyanteng Pilipino na nais mamuhunan at magpatakbo ng gasolinahan sa kahit anong dako ng Pilipinas.

Sa dahilan na ang presyo ng gasolinang pinagbibili ng Petron ay abot-kaya at hindi basta-basta tinataasan na walang pahintulot ng pamahalaan (di tulad ng mga pribadong gasolinahan tulad ng Shell at Caltex), nakatitiyak ang mga mamamayang Pilipino nuong panahon ni Pangulong Marcos na mananatiling abot-kaya ang presyo ng gasolina sa bansa, at hindi na lang basta-bastang tataas ito ayon sa mga maaring mangyari sa Gitnang Silangan.

Lumaganap sa buong Pilipinas ang mga gasolinahang Petron.Tulad din ng mga dalisayan ng PNOC, ang mga gasolinahang Petron ay nakagawa ng karagdagang negosyo at hanap-buhay sa maraming Pilipino. Nakatulong din ang mga gasolinahang Petron sa pamahalaang ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga buwis na ibinabayad ng mga ito.

Nuong taong 1974, nagkatoo ang sinabi ni Pangulong Marcos.Nagkasundo ang mga bansang Arabo na hindi na sila nagkumpetensiya sa isa’t-isa, upang panatilihing mataas ang presyo ng krudong langis at gasolina sa buong daigdig. Dahil dito, biglang tumaas ng triple ang presyo ng gasolina sa Pilipinas sa nasabing taong 1974.

Sa kapalaran naman ng Pilipinas, ang kasunduan ng mga bansang Arabo ay hindi naging pangmatagalan. Paminsan-minsan, may mga bansang Arabo, tulad ng Kuwait, na nagpapababa ng presyo ng kaniyang binebentang krudong langis. Sa dahilang ito, ang presyo ng gasolina sa merkadong pandaigdig ay bumababa paminsan-minsan.

Matapos ng ilang taong pagpapasensiya sa pagmamanipula ng mga bansang Arabo sa presyo ng krudong langis at gasolina, napagpasiyahan ni Pangulong Marcos na ipagtanggol ang mga Pilipino sa basta-basta na lang na pagtaas ng presyo ng gasolina.Kaya naman nuong Oktubre 1984, inutusan ni Marcos ang Department of Energy na gumawa ng Oil Price Stabilization Fund (OPSF).

Papaano gumagana ang OPSF?