OFW

OFWs na galing Dubai nasa ‘Pinas na

Jun I Legaspi Mar 12, 2026
123 Views

DUMATING na ang 25 overseas Filipino workers (OFWs) at isang dependent mula sa Dubai, United Arab Emirates bandang alas-9:20 ng gabi noong Marso 11 sa NAIA Terminal 3 sa Pasay City.

Dala ng takot na maipit sa tensyon sa Gitnang Silangan, nagpasya ang ilang OFWs na umuwi na upang makapiling ang kanilang pamilya.

“At least ngayon nandito na sa ‘Pinas makakapiling ko na ang pamilya ko. Thank you po sa gobyerno natin especially sa ating Pangulo,” ayon kay Carol Agulto.

Sila ay sinalubong ng mga representatives ng Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Authority (OWWA), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at New NAIA Infra Corp. (NIAC) medical team.

Ayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bigyan ng suporta ang ating mga kabayan, nakatanggap sila ng tulong pinansyal, food assistance, accommodation, transportation, medical at psychosocial consultation.