press

Media solidarity night ginanap sa PRO 4A

107 Views

CAMP VICENTE LIM, Canlubang, Laguna–Nagkaroon ng Media Solidarity Night sa Police Regional office 4A sa pamumuno ni P/Brig. Gen. Hansel Marantan noong Marso 23.

Nagsimula ang event sa welcome remarks ni P/Brig. Alvin Napiloy, Deputy Regional Director for Administration, para sa mga miyembro ng iba’t-ibang grupo ng mamahayag sa Calabarzon.

Mahalaga ang ugnayan sa pagitan ng hanay ng PNP upang maihatid ang kahalagahan at tunay na katotohanan para sa mamamayan, ayon sa opisyal.

Hinikayat ng opisyal sa unang pagharap sa mga mamamahayag na ito ang formal briefing upang magkaisa ang media at pulisya.

Dagdag ni Marantan na kapag may pagkakaisa, positibo ang magiging resulta ng serbisyo sa bawat isa.

Ibinahagi ng heneral na may apat na buwan pa bago siya magretiro. Nagkaroon ng open forum sa event para bigyang pagkakataon ang mga media people na iparating ang kanilang concerns, hinaing at suggestions.

Ayon sa kanya, ang kapayapaan at kaayusan ay hindi lamang responsibilidad ng mga pulis kundi pinagtibay din ng responsableng pamamahayag at wastong pagpapakalat ng impormasyon. Ni GIL AMAN at JOJO CESAR MAGSOMBOL