Calendar
BPPO handang gawing ligtas ang Holy Week, summer bakasyon


KAMPO HENERAL MALVAR, Lungsod ng Batangas — Naka-full alert status ang Batangas Police Provincial Office (BPPO) sa pamumuno ni PCol. Marlon V. Rufo, provincial director, upang tiyakin na ligtas ang lahat ngayong Semana Santa at summer vacation.
Binigyang-diin ng Batangas PPO ang operational strategy na binubuo ng komprehensibong paghahanda, inter-agency coordination, at rapid response capability, upang matiyak na ligtas ang lahat ng manlalakbay, deboto, at turista.
Estratehikong itinalaga ang mga kapulisan sa mga checkpoints, choke points, pati na entry at exit points sa buong probinsya laban sa mga kriminal at mga illegal na actibidad.
Todo bantay rin ang kapulisan sa mga simbahan, daungan, paliparan, terminal ng bus, pampublikong pamilihan, at mga destinasyong panturista.
Ang pagbabantay ay pinalalakas ng mga roving mobile unit at paggamit ng mga drones. Ito ay upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng batas.

