Pic3

CALABARZON cops inaresto 88 kriminal

66 Views

Pic4Pic5

CAMP POLICE BRIGADIER GENERAL VICENTE LIM, Calamba City, Laguna — Umabot sa 88 suspek sa krimen ang nahuli noong Huwebes ng mga miyembro ng Police Regional Office-CALABARZON sa sabay-sabay na operasyon sa ilalim ng Project Huli Week.

Kumilos sa operasyon ang mga operatiba mula sa Regional Intelligence Division 4A, Regional Special Operations Unit 4A, Provincial Intelligence Units mula sa iba’t-ibang police provincial offices at Regional Mobile Force Battalion.

Sa mga inaresto, 29 ang most wanted persons at 59 ang another wanted persons.

Ang mga pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng mga warrant of arrest para sa mga paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 20020, panggagahasa, pagpatay, carnapping, at iba pang mga krimen.

Binigyang diin din ni P/BGen. Hansel Marantan, regional director, ang kahandaan ng puwersa ng pulisya at ang malawakang pag-deploy ng mga pulis sa buong rehiyon.

Ang pagsasakripisyo ay para sa kaligtasan ng komunidad at aming pangako sa panahon ng pagninilay,” pahayag ni PBGen Marantan.

Ang mga naaresto ay nasa kustodiya ng mga operating units at mga istasyon ng pulisya.