Lulong sa ‘bad vice’
Apr 3, 2025
Suspek sa human trafficking nasilo sa NAIA
Apr 3, 2025
Pumatay, nag hide-and-seek ng 2 taon, nalambat
Apr 3, 2025
Calendar

Nation
Nakaranas ng sexual, physical abuse ireport—DepEd
Peoples Taliba Editor
Sep 9, 2022
309
Views
NANAWAGAN ang Department of Education (DepEd) sa mga estudyante na agad ipagbigay-alam sa kanila kung mayroong naranasang sexual o physical abuse sa paaralan.
Sinabi ni DepEd spokesperson Michael Poa na seryoso ang pagtingin ng ahensya sa mga paglabag na ito at iginiit na dapat na manatiling ligtas ang mga paaralan.
“DepEd is taking all reports about sexual abuse and violence against our learners in schools seriously as we are determined to ensure that schools all over the country are safe spaces for our learners and free from sexual predators,” sabi ni Poa.
Ang mga biktima ay maaari umanong mag-email sa DepEd ([email protected]), tumawag sa landline (8633-1942 o 8635-9817), o mag-text (0995-9218461) kahit na walang pasok ang tanggapan.
PBBM sinaksihan CDC circular signing
Apr 3, 2025
Sasakyan iparehistro agad — LTO
Apr 2, 2025