Calendar
OPM Artist Hev Abi laglag sa Oplan Paglalansag Omega
ARESTADO ang pitong katao, kabilang ang OPM artist na si Hev Abi, sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Quezon City, madaling-araw ng Martes.
Ayon sa report si “Hev Abi,” na ang tunay na pangalan ay Gabriel Abilla, 24, at anim na iba pa ang nadakip sa isinagawang Oplan Paglalansag Omega ng CIDG NCR sa Dr. Lazcano St., Brgy. Laging Handa, Diliman.
Batay sa ulat, ipinatupad ang Search Warrant No. 6728 (26) mula 12:20 a.m. hanggang 3:55 a.m., kaugnay ng paglabag sa Republic Act No. 10591 o ang batas sa iligal na pag-iingat ng baril at bala.
Sa operasyon, nakasamsam ang mga awtoridad ng isang G3 Taurus 9mm pistol na may serial number ADK851662, isang magazine, at 15 piraso ng live ammunition.
Bukod dito, iniimbestigahan din ang posibleng paglabag sa Republic Act No. 9165 matapos makitaan umano ng kaugnayan sa ilegal na droga ang insidente.
Dinala sa kustodiya ng CIDG NCR ang mga naarestong suspek at sasampahan ng kaukulang kaso.

