Sen. Ping: Oban qualified bilang NSA

37 Views

SINABI ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na kwalipikado si bagong talagang National Security Adviser (NSA) Eduardo Oban Jr. sa posisyon dahil sa rekord niya sa militar at karanasan sa pamumuno.

Ayon kay Lacson, si Oban, ay isang retiradong four-star general na nagsilbi ring Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines, mga kuwalipikasyong sapat para maging National Security Adviser.

“Both retired 4-star generals are imminently qualified for the job as NSA. That being said, I wish Gen. Ed Año well as he returns to private life as I wish him good health, even as I trust that Gen. Ed Oban can equally perform the duties and responsibilities as NSA,” ayon kay Lacson.

Iniulat ng Malacañang noong Miyerkules na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Oban kapalit ni Año matapos tanggapin ang pagbibitiw ng huli.

Iniulat din na ang karanasan ni Oban sa military operations, defense planning, at national security ay nakita bilang salik upang matiyak ang pagpapatuloy ng mga hakbang ng pamahalaan sa larangan ng pambansang seguridad.

Sinabi ni Lacson na ang pinanggalingang karanasan nina Año at Oban ay nagpapakita ng kanilang pagiging akma sa naturang tungkulin.