PIO

Hepe ng PRO 4A pinalakas PIOs

35 Views

PIO1PINANGUNAHAN noong Lunes ni P/BGen. Hansel Marantan ang pagpapalakas ng kakayahan ng mga Public Information Officers (PIOs) ng Police Regional Office 4A sa gitna ng paglaganap ng fake news at misinformation.

Inilunsad ang Mobile Journalism and Basic Photography Workshop sa Camp Brigadier General Vicente Lim. Calamba City Laguna bilang bahagi ng pagpapalakas.

Ang pagsasanay ay nakatuon sa pagpapahusay ng kakayahan ng mga PIO bilang pangunahing tagapaghatid ng opisyal, tama at napapanahong impormasyon sa publiko.

Binigyang-diin ng hepe ng PRO 4A na sa panahon ng digital media, ang laban kontra maling impormasyon ay nangangailangan ng mas mataas na antas ng kahandaan, disiplina at kredibilidad mula sa mga pulis.

“Ang bawat kilos at mensahe ng kapulisan ay dapat nakaangkla sa S.M.A.R.T. o ang Specific, Measurable, Attainable, Resourceful, at Time-bound.

Higit sa lahat, ang impormasyong ating inilalabas ay dapat tama, mapagkakatiwalaan, at may kredibilidad, sapagkat ang tiwala ng publiko ay nakasalalay sa katotohanang ating ipinapahayag,” pahayag ni Marantan.

Hindi sapat ang pagiging aktibo sa social media; kinakailangan na ang bawat inilalabas na ulat, larawan at video ay dumaan sa wastong beripikasyon, ayon sa hepe ng pulisya.