Calendar
Programa ng OVP ikakalat sa buong bansa
IKAKALAT sa buong bansa ang iba’t ibang programa ng Office of the Vice President.
Sa blessing at ribbon cutting ceremony ng tanggapan ng OVP sa Mandaluyong City, sinabi ni Vice President Sara Duterte na magpapatupad ng iba’t ibang programa ang kanyang tanggapan hindi lamang sa Metro Manila kundi sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
“Sa loob ng mga susunod na buwan ay maaasahan natin ang pagpapalawak ng mga kasalukuyang programa ng Office of the Vice President, at ang pagsisimula ng mga bagong programa na naglalayong makapagbigay ng tulong sa mas marami pa nating mga kababayan sa iba’t ibang panig ng bansa na nangangailangan nito — lalo na at sinisimulan na natin ang mga agresibong hakbang para makabawi tayo sa epekto ng COVID-19 pandemic,” sabi ni Duterte.
Inanunsyo rin ng Bise presidente na sa susunod na taon ay muling sisimulan ang The MagNegosyo ‘Ta Day peace and livelihood project.
“Ako ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng mga kawani ng Office of the Vice President na buong-puso, buong-katapangan at buong-katapatan na nagsisilbi sa publiko,” dagdag pa ni Duterte.