Sec. Lopez: Katiwalian walang lugar sa DOTr

Jun I Legaspi May 4, 2026
25 Views

IGINIIT ni Secretary Giovanni Lopez na walang puwang sa Department of Transportation (DOTr) ang lahat ng katiwalian kasunod ng impormasyon sa reklamong isinampa sa Office of the Ombudsman laban sa mga dati at kasalukuyang opisyal ng DOTr at Land Transportation Office (LTO) kaugnay ng kontrata sa Stradcom Corp.

“Bagama’t hindi pa namin pormal na natatanggap ang reklamo, kumpyansa si Secretary Lopez na handa ang DOTr at LTO na harapin ito sa tamang forum,” ayon sa DOTr.

Tinitiyak ni Secretary Lopez na inaayos ng DOTr at LTO ang mga sistema para makapagbigay ng mas magandang serbisyo sa publiko at makapagsulong ng transparency at accountability sa lahat ng mga programa at proyekto.