SSS

Pagpapadala ng pensyon, benepisyo ng SSS members maantala

202 Views

INANUNSYO ng Social Security System (SSS) ang pagka-antala sa pagpapadala ng mga benepisyo at pensyon ng mga miyembro nito dahil sa inaayos na koneksyon ng mga server ng ahensya at bangko na daraanan ng ipadadalang pera.

Ayon sa SSS, ang mga benepisyo at pensyon na naproseso mula Agosto 25 hanggang sa kasalukuyan ay maantala dahil sa naganap na sunog sa gusali ng SSS sa Quezon City noong Agosto 28.

“The SSS is asking for patience and understanding for this current situation while all concerted and immediate efforts are being made to restore the crediting back to normal operations,” sabi ng ahensya.

Sinabi naman ng SSS na naproseso na ang Development Bank of the Philippines (DBP), ang disbursement facility na umaayos sa buwanang pensyon, ang unang batch ng mga pensyonado na padadalhan ng pera.

Naibalik na umano ang serbisyo ng My.SSS portal simula noong Setyembre 1 at maaari na itong magamit ng mga miyembro sa pagsusumite ng kanilang benefit claims application.