Event ng DOTr, ADB dinaluhan ng 50 kumpanya

Jun I Legaspi May 11, 2026
28 Views

DOTr.MAHIGIT 50 kumpanya ang lumahok sa joint market sounding activity ng Department of Transportation (DOTr) at Asian Development Bank (ADB) para sa Philippine Automated Fare Collection System (PAFCS) concession sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) Program.

Itinagubilin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa DOTr na gawing moderno ang pampublikong transportasyon ng bansa upang masiguro ang maginhawa at walang abalang biyahe para sa mga pasahero.

Binanggit ni Transportation Secretary Giovanni Lopez na nakatuon ang pamahalaan sa pangangailangan ng mga mananakay at titiyakin na ang bagong fare collection system ay accessible, maaasahan, at inklusibo para sa lahat ng commuters sa buong bansa.

Ayon kay Undersecretary for Railways Timothy John Batan, ang mataas na turnout ng mga pribadong kumpanya ay patunay ng malakas na kumpiyansa ng mga investors sa Pilipinas, sa kabila ng pandaigdigang hamon sa ekonomiya.

“Over 50 companies in a market sounding is very encouraging, and we look forward to a successful tender and award of this PAFCS concession,” sabi ni Usec. Batan.

Lumahok ang mga kompanya galing sa Japan, China, Singapore, South Korea, India, Indonesia, Turkey, Pakistan, USA, Germany, France, United Kingdom, Netherlands, Spain, Austria, Switzerland, Sweden, Finland at Pilipinas.

Napagkasunduan sa meeting ang pagkakaroon ng interoperable at secure fare collection system para sa rail, bus, at iba pang future transport modes; paggamit ng cards, QR codes, mobile phones, at smart devices para sa seamless payment; at magbigay ng mas mahusay na karanasan sa pasahero at mas episyenteng pamamahala ng pamasahe.

Ang DPTMP ay pilot project na layong magtatag ng ligtas, maaasahan, at episyenteng public transport system sa Davao na suportado ng loan mula sa ADB.