Bato

Kumpirmado na Bato wala na sa Senado

65 Views

NAKATAKAS si Senador Ronald “Bato” dela Rosa mula sa Senado sa gitna ng kaguluhang dulot ng napaulat na putukan, batay sa mensahe ng kanyang asawa na binasa ni Senate President Alan Peter Cayetano sa pamamagitan ng isang text message.

Sinabi ni Cayetano na kinumpirma ng asawa ni Dela Rosa na wala na sa loob ng Senate premises ang senador at ipinaliwanag na hindi bahagi ng orihinal na plano ang pag-alis nito.

“Nagulat at natatakot na lang kami for his safety nung narinig namin na sa labas na siya. Wala sa plano but knowing him, I am sure he took the opportunity nung nagka-buluhan at nagka-putukan na,” sabi ni Cayetano, habang binabasa ang mensahe.

Ayon kay Cayetano, inaasahang mananatili si Dela Rosa sa Senado, ngunit lumilitaw na nagpasya itong umalis sa gitna ng kaguluhan dahil inisip nito ang kaligtasan ng iba.

“So kahit na gaano siya safe diyan, mas nangibabaw pa rin para sa kanya ang safety ng lahat,” sabi ni Cayetano, batay sa mensahe.

Sinabi ni Cayetano na una niyang nalaman mula kay Senador Jose “Jinggoy” Estrada na wala na si Dela Rosa sa Senado, kaya humingi siya ng report mula sa Office of the Sergeant-at-Arms.

Nilinaw naman niya na hindi arestado si Dela Rosa habang nasa loob ng Senado at walang warrant na ipinakita sa kapulungan.

“I’d like to clarify to everyone, we did not arrest Sen. Bato,” sinabi ni Cayetano sa mga reporter.

“We extended the courtesy and the traditions of the Senate na hindi pwedeng arrest ko sa loob. He’s not under arrest from any of us. And so far as far as we’re concerned there’s no warrant of arrest for him,” dagdag niya.

Ginamit din ni Cayetano ang salitang “escape” ngunit sinabi niyang malaya ang senador na umalis dahil walang warrant na ipinakita sa Senado.

“Kasi if I was in his shoes, I will escape when it’s least expected. But again, ano yung word na escape? Because there’s no warrant,” sabi ni Cayetano.

“There’s no warrant so he’s free to go,” dagdag niya.

Sinabi ni Cayetano na iba sana ang kanyang payo kung may ipinakitang valid warrant ang mga awtoridad.

“So I’m not saying as a fact walang warrant. I’m saying they did not present the warrant to us and I’m waiting for it,” ani Cayetano.

“But if there’s a warrant, my advice would have been different,” dagdag niya.

Ayon kay Cayetano, anumang pag-aresto sa loob ng Senado ay dapat lehitimo, coordinated at may tamang legal process.

“I’m protecting the integrity of the Senate. Kung mag-a-arrest ka dito dapat legitimate, dapat coordinated, at kung wala nang legal remedy we’ll allow you but better we’ll convince him to surrender,” sabi ni Cayetano.

Tinanggihan ni Cayetano ang mga pahiwatig na humadlang ang Senado sa hustisya, at sinabing walang obstruction kung walang warrant na ipinakita.

“Walang obstruction of justice because to obstruct justice you have to lie. So kung inahabol ka, wala makapakita warrant sa akin at inahabol kita, walang obstruction of justice,” sabi niya.

Nangyari ang development matapos ang napaulat na putukan sa loob ng Senado, na nagdulot ng kalituhan tungkol sa status at kinaroroonan ni Dela Rosa sa gitna ng mga ulat tungkol sa ICC-related arrest warrant.