Calendar
Pangilinan: Gulo sa Senado walang warning
ITINANGGI ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang mga alegasyon na na-warningan ang minority senators tungkol sa posibleng kaguluhan sa Senado, at sinabing umalis siya nang maaga sa kapulungan dahil may meeting siya sa labas.
Inilabas ni Pangilinan ang pahayag matapos ang napaulat na putukan sa loob ng Senado na nagbunsod ng mga tanong kung ano ang tunay na nangyari, paano ito nangyari at bakit ito nangyari.
“Just like other Filipinos, I’d like to know what actually happened? How it happened? Why it happened?” sabi ni Pangilinan.
Sinabi ni Pangilinan na nakakagulat at nakakalungkot ang insidente, at binanggit na sa kanyang apat na non-consecutive terms bilang senador ay hindi pa niya naranasan ang ganitong antas ng kaguluhan sa loob ng Senado.
“As a senator, now on my fourth non-consecutive term, I am shocked and saddened. I’ve never experienced that level of lawlessness inside what has been a revered and safe Philippine institution,” sabi niya.
Ayon kay Pangilinan, nais niyang makabalik ang Senado sa trabaho at tugunan ang inaasahan ng publiko mula sa mga lingkod-bayan.
“I only want to continue working and be worthy of the everyday sacrifices of the Filipino people, and to deliver what is demanded of all public servants: competent, fair, and efficient public service. I want the Senate to be back on track,” ani Pangilinan.
Mariin niyang itinanggi ang mga pahayag na may advance warning ang minority bago ang kaguluhan sa Senado.
“There are allegations that we in the minority were informed of an impending chaos. That’s not true. I left the Senate early because I had a meeting outside the Senate,” sabi niya.
Ang pahayag ay inilabas habang nananatiling nakatutok ang publiko sa Senado matapos ang napaulat na putukan, ang security response sa loob ng kapulungan at ang patuloy na mga tanong sa mga pangyayaring nakapaligid kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

