Mga sangkot sa pamamaril sa Senado dapat tukuyin–Sen. Hontiveros

84 Views

DAPAT tukuyin ng mga imbestigador kung sinu-sino ang mga sangkot sa pamamaril sa Senado, ayon kay Sen. Risa Hontiveros.

Pag-iisipan ni Hontiveros ang mga pangambang inihayag tungkol sa naiulat na presensya sa kapulungan ni suspended acting Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca.

Walang personal na kaalaman ang senador na nag-uugnay kay Senate President Alan Peter Cayetano sa pamamaril.

Ayon sa kanya, may kolektibong pananagutan ang liderato ng Senado at lahat ng senador na tumulong upang malinawan ang mga kamakailang pangyayari at maibalik ang tiwala ng publiko sa institusyon.

Nang tanungin tungkol kay Aplasca, sinabi ni Hontiveros na hindi pa napag-uusapan ng minority ang kanyang status, ngunit sa pagkaalam niya ay sinuspinde siya ng Office of the Ombudsman ng anim na buwan.

Inaasahan niyang magiging available si Aplasca para sa anumang imbestigasyon dahil naging active participant ito sa mga pangyayari noong gabing iyon.

“Gayunpaman inaasahan ko na magiging available siya para sa anumang investigasyon dahil naging active participant din siya sa mga kaganapan ng gabing iyon,” sinabi niya.

Nang sabihin ng mga reporter na naiulat na nakita si Aplasca sa Senado sa kabila ng suspension, sinabi ni Hontiveros na hindi niya ito alam.

“Well dahil sinabi niyo sa akin, hindi ko alam yan before this morning, pag-iisipan ko po. Salamat sa impormasyon,” sinabi niya.