BBM6

PBBM nakipagpulong sa mga negosyanteng Amerikano

223 Views

NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga ,ay-ari ng iba’t ibang kompanya na nakabase sa Estados Unidos upang hikayatin ang mga ito na magnegosyo sa bansa

Kasabay nito ay nagpasalamat si Marcos sa World Bank sa patuloy nitong pagsuporta sa bansa at pagtulong upang mapabuti ang buhay ng mga Pilipino.

“We are privileged to meet with World Bank Group officials on our fourth day in the United States,” sabi ng Pangulo sa kanyang Facebook post.

Pagpapatuloy na nito, “The World Bank has stood with the Philippines in the most challenging times, bringing resources, linkages, and partnerships to bear on the country’s social, economic, and environmental initiatives since 1945.”

Nakausap din ng Pangulo ang mga opisyal ng Cargill sa The Carlyle, A Rosewood Hotel sa New York.

Si Marcos ay nasa Amerika upang dumalo sa 77th Session ng United Nations General Assembly (UNGA).