PAGASA

Bagyong Karding umakyat na sa super typhoon category habang papalapit sa kalupaan

163 Views

UMAKYAT na sa super typhoon category ang bagyong Karding habang lumalapit sa kalupaan.

Nagbabala ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon.

Palalakasin din ng bagyong Karding ang Hanging Habagat kaya magiging maulan din maging sa Visayas.

Lilikha rin umano ang bagyo ng hanggang 3 metrong taas ng mga alon na magiging mapanganib para sa mga maliliit na sasakyang pangdagat.

Ngayong Linggo ng gabi ay inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Aurora. Kung bahagyang lilihis ang bagyo ay maaaring umanong mag-landfall ito ng mas maaga sa Polilio islands sa Quezon.

Babaybayin umano ng bagyo ang Central Luzon hanggang sa makatawid sa Philippine Sea.

Sa pagland-fall ng bagyo ay inaasahan na ang bilis ng hangin nito ay umaabot sa 185 hanggang 205 kilometro bawat oras.