Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Ospital

Yorme, VM Chi binuksan ER ng Ospital ng Maynila

Edd Reyes Jun 1, 2026
30 Views

PINANGUNAHAN nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza ang pagbubukas ng Emergency Room (ER) ng Ospital ng Maynila Medical Center noong Lunes.

Sa loob lamang ng isang linggo ay mayroon ng mas maaliwalas, mas maayos, at mas handang tumugon sa mga agarang pangangailangan ng mga pasyente ang emergency room ng naturang ospital, sabi ni Mayor Isko.

Patunay lamang ito ng patuloy na dedikasyon ng Maynila at ng Ospital ng Maynila Medical Center sa pagbibigay ng mabilis, ligtas, at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa bawat mamamayan.

Binanggit din ng alkalde ang layunin niyang bigyan ng kapangyarihan ang kanilang mga frontline healthcare workers sa pamamagitan ng pagsasaayos at pagsasa-moderno ng mga pasilitad ng mga pampublikong pagamutan, maging ng mga health center.

Pinuna rin niya ang ginawang pagsasara ng maraming health center sa Maynila ng nakaraang administrasyon na labis ng nakapinsala sa pangangalaga ng kalusugan ng mmaraming Manilenyo.

“Tatlong taon lang akong nawala, ang dami ng health centers ang ipinasara. How can you do that?” sabi ng alkalde.

Tiniyak ni Mayor Isko sa mga doktor, nurses, at medical practitioners ng lungsod ang patuloy na pagsisikap, pagbibigay ng oras, at paglalaan ng pondo sa institusyong pangkalusugan.