Calendar
Sec. Tulfo hiniling tulungan mga estudyante na bayaran utang sa CHED
UMAAPELA ngayon ang isang Visayas Lady solon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Erwin Tulfo upang mabayaran ang tinatayang P4 milyon utang ng mga estudyante sa Commission on Higher Education (CHED).
Hinihiling ni House Deputy Majority Leader at Iloilo 1st Dist. Cong. Janette L. Garin kay Sec. Tulfo na tulungan nito ang may tinatayang 338 mahihirap na estudyante sa mga pampublikong paaralan para mabayaran ang nakabinbin na P4.4 milyon na utang sa CHED.
Sinabi ni Garin na ang nasabing utang ay “reimbursement” o dapat ibalik ng estudyante sa CHED sapagkat sumobra aniya ang nakuha nilang “financial aid” sa ilalim ng scholarship program ng pamahalaan.
Ipinaliwanag pa ng kongresista na naglabas ang Commission on Audit (COA) ng Notice of Disallowance sa CHED matapos lumabas ang kanilang audit na ilang estudyante ang nakakuha ng dalawang magkaibang klase ng scholarship grant gayong ito’y ipinagbabawal.
Dahil dito, kinumpirma din ni CHED Chairperson Prospero de Vera na kamakailan lang ay nagpadala na sila ng notice of payment sa mga estudyante na karamihan ay mula sa Region 2 at 5 na sinisingil nilang ibalik ang nakuhang “double scholarship” na aabot ng P15,000.
“We are humbly asking Social Welfare Sec. Erwin Tulfo, may mga programa sila gaya ng Assistance to Individual Crisis Situation (AICS) na maaaring paghugutan pata makabayad na ang ating mga estudyante sa CHED,” sabi ni Garin.