Tulfo1

Tulfo binira paratang sa kanya bilang propaganda para sirain siya

49 Views

MALAKING KASINUNGALINGAN ang mga naging paratang ni Bernard Gumban, isa sa mga nagpakilalang umano’y 18 ex-Marines, sa ginaganap na bogus Bule Ribbon Committee hearing.”

Ito ang mariing pahayag ni Sen. Erwin Tulfo matapos siyang idawit ng isa sa 18 ex-Marines na inatiran din siya ng maleta na naglalaman ng pera.

“Sobrang daming kasinungalingan, siya mismo ay LITONG-LITO”.

“Una, sabi niya sa kanyang naunang sinumpaang salaysay, nag-deliver raw siya sa akin ng anim na medium-sized na maleta. Ngunit, galing na mismo sa kanyang bibig na dalawa at anim na maleta ang kanyang idinedeklara.

“Pangalawa, pati sa halaga ng diumano’y nilalaman ng mga maleta, NAGKAGULO-GULO NA. Sabi dati, kapag small, P15 to P25 million ang laman tapos ngayon, P20-P25 million.”

Samantalang sa medium, P30 to P40 million sa affidavit, tapos P40-P50 million naman ngayon. ANO BA TALAGA?,” tanong ni Tulfo.

Pahayag pa ni Tulfo, kapansin-pansin din na pili lang ang mga binanggit nilang pangalan kahit na sa una nilang affidavit. Marami ang idinawit nila tulad nina Sen. Loren Legarda, at Mark Villar. Bakit sa “hearing” daw ay hindi na nakasama ang mga nasabing senador na nasa minorya na ngayon sa pamumuno ni Sen. Allan Cayetano?

“Ito ba ang sinasabi nilang IMPARTIAL investigation? Kapag kaalyado ligtas ka, kapag tagapagtuligsa, delikado ka?”

“Hindi na ito isang simpleng imbestigasyon, ito ay isang malinaw at planadong propaganda laban sa aking pagkatao at reputasyon. Walang puwang sa Senado ang mga fake news at trolls.

Sana nag-FB Live na lang sila,” aniya.

“Magkita-kita po tayo sa lehitimong Blue Ribbon Committee hearing sa Lunes,” pagtatapos pa ni Tulfo.