Japan

Japan coast guard vessel nag-dock sa San Francisco

45 Views

Japan1

DUMAONG noong Huwebes ang Japan Coast Guard training vessel Itsukushima sa San Francisco at nag-host ng party ang Consulate General ng Pilipinas sa community.

Dumalo si Konsul Heneral Arnel Talisayon at binigyang-diin ni Konsul Heneral Kotaro Otsuki ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng Japan at US sa seguridad sa dagat.

Maglalakbay ang vessel sa Hawaii, Singapore, Pilipinas, at Australia bilang bahagi ng pagsasanay ng mga kadete.

Pinagtibay ni Konsul Heneral Talisayon ang lumalaking ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Japan habang andoon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Binati rin niya sina Konsul Heneral Otsuki at Kapitan Naoki Mizoguchi para sa matagumpay na pagdaong sa San Francisco at hiniling ang ligtas na paglalakbay ng kapitan, mga tauhan at mga kadete.

Binigyang-diin din ng mga kadete ng Japanese Coast Guard ang kulturang Hapon sa pagtanggap, sa pamamagitan ng pagdurog ng mochi at mga demonstrasyon ng judo at seremonya sa paghahanda ng matcha.