Speaker Dy nanawagan ng panalangin para sa mga tinamaan ng lindol

Mar Rodriguez Jun 8, 2026
38 Views

NANAWAGAN si House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ng panalangin at mabilis aksyon sa Mindanao matapos ang matinding lindol noong Lunes ng umaga.

Kinakailangan ang agarang pagkilos, ayon sa House Speaker, kasunod ng magnitude-7.8 na lindol sa Sarangani.

Nagpahayag ng pagkabahala si Speaker Dy para sa mga komunidad sa mga apektadong lugar at hinimok ang mga residente na sundin ang mga utos sa paglikas at mga patnubay mula sa mga ahensya ng pamahalaan.

“Ang ating pangunahing inaalala sa oras na ito ay ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga kababayang Pilipino sa Mindanao.

Hinihimok ko ang lahat, lalo na ang mga nasa baybayin at mabababang komunidad, na makinig sa mga babala at tagubilin ng mga awtoridad. Mangyaring lumikas agad kapag iniutos at unahin ang inyong kaligtasan at ng inyong mga pamilya.

Sa ganitong mga pagkakataon, mahalaga ang mabilis na koordinasyon at pagtutulungan,” sabi ng Speaker.

Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na maaring tumama ang tsunami sa ilang baybaying bahagi ng Sarangani, Davao Occidental, Tawi-Tawi, Sulu, Basilan, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Sultan Kudarat at South Cotabato.

Nagbabala rin ang mga awtoridad sa posibleng mga pinsala at malalakas na matitinding aftershocks kasunod ng lindol.

Sinalubong naman ni Speaker Dy ng may kagalakan ang agarang utos ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa lahat ng kinauukulang ahensya ng pamahalaan na kumilos at tumugon sa sitwasyon.